[LP] Ayaw Ko (I Don’t Like)
Tuwing uuwi kami sa Pilipinas para magbakasyon, isang bagay lamang ang hindi namin hinahanap. Ang traffic. Nakakaubos ng oras, pasensya at kung ikaw ang nagmamaneho, nakakapagod.
Naalala ko nung panahong nagta-trabaho ako sa Makati, halos tatlong oras sa isang araw ang nauubos ko sa pagmamaneho lamang. Buti at hindi naging Jolas* ang [...]
[LP] Mithi (Wish)
Marami akong mithi sa buhay. Pero para sa akin ito ang pinaka-mahalaga: Na mabuhay ayon sa hangarin na itinakda ng Diyos para sa akin.
Wala ng tatamis pa na makamtan ang mga hiling natin sa buhay na kasama ang Diyos. Magawa man natin makuha gamit ang sariling talino at lakas ngunit kadalasan hindi rin [...]
[LP] Liwaliw sa Central Park
Mabibilang lamang ang mga nagtataasang gusali sa siyudad ng Perth. Sa katunayan, itong Central Park nila ay malalakad mo ang kabuuan ng wala pang kalahating oras. Hindi tulad ng sukat ng Central Park sa New York.
Bagaman maliit ang siyudad nila, napahanga ako sa yaman ng kanilang lugar. Maraming pang-publikong bus na umiikot [...]
[LP] Ako (O Ang Parte Ko)
Ang aking lahok ay litrato ng aking anak na kuha ko sa Kings Park dito sa Perth noong nakaraang Linggo. Totoo ang sabi nila na kapag naging isa kang ina, malaking parte ng buhay mo ay maiiba. Mayroon ka ng taong mas mamahalin mo kaysa sa iyong sarili. Mas pagbubuhusan mo ng [...]
[LP] Kanluran (West)
Ito ay isa sa paborito kong litrato sa Antonio’s Tagaytay nung minsan na makapasyal kami doon. Maganda ang tema ng “restaurant” na iyon at bagaman may kamahalan ang pagkain ay nasusulit ito sa kaaya-ayang pagka-ayos ng lugar. Parang ang sarap magpahinga, ano?
May isa pa akong lahok dito. At ang iba pang [...]







