[LP] Ayaw Ko (I Don’t Like)

Tuwing uuwi kami sa Pilipinas para magbakasyon, isang bagay lamang ang hindi namin hinahanap. Ang traffic. Nakakaubos ng oras, pasensya at kung ikaw ang nagmamaneho, nakakapagod.
Naalala ko nung panahong nagta-trabaho ako sa Makati, halos tatlong oras sa isang araw ang nauubos ko sa pagmamaneho lamang. Buti at hindi naging Jolas* ang mga binti ko noon dahil “stick shift” ang kotseng minamaneho ko noon.
*Jolas = Jojo Lastimosa, sikat na PBA cager noong araw. Naging sikat na biruan ang kanyang ma-muscle na mga binti.
Marami pang Litratong Pinoy dito, dito at dito!
Tagged as: manila traffic











[...] Litratong Pinoy dito, dito at dito! Feature, Litratong [...]
Korek ka dyan. Minsan mas matagal pa ang byahe kaysa sa gagawin sa pupuntahan! Magandang Hwebes!
Em Dys last blog post..Di Ko Kayang Tanggapin
Reply
waaaah! ayaw ko din yan. parang kulang na ang oras…kung gusto mong makarating sa tamang oras, agahan mo. kung hindi…super late ka na talaga.
Reflexess last blog post..LP: I Don’t Like…
Reply
oonga hindi na rin ako sanay sa traffic…bihira kasi dito yan..sabagay bihira naman na akong lumabas at mag free way:_)
Reply
nakakarelate ako sayo…pag inipon siguro ang oras na nasasayang natin sa trapik, tyak malaking bahagi na yun ng ating buhay, gaya ng pagtulog.
fortuitous faerys last blog post..litratong pinoy#19:ayoko!
Reply
Isa rin ito sa Pilipinas na ayaw na ayaw ko. Nakakasakit ng ulo! Maligayang paglahok ngayong linggo sa iyo!
Litzies last blog post..LP: Ayaw Ko
Reply
Ayaw ko din ng traffic. Magastos sa gasolina at nakakainit ng ulo.
Pero way of life na yan dito so walang magagawa.
Happy LP!
Dr Emers last blog post..Ayaw Na Ni Lola
Reply
Naku, ganun pa din, walang pinagbago. Yung kaya ng 20-30 minutes from QC to Ortigas pag light traffic, inaabot ng 1 hour and 30 kung minsan, lalo pag me ulan
Reply
hay ayoko rin niyan! at araw araw pako nagd-drive tin.. buti nga hindi pa naman jolas ang aking legs. hehehe
iriss last blog post..Ayoko maging ganito [lp]
Reply
malamang lahat tayo yan ang AYAW! GAndang araw!
etteys last blog post..LP: AYAW KO!
Reply
Ayoko rin ng trapik. Pero hmmm, merong isang sitwasyon na bigla na lang akong napapadasal na “Sana trapik…. sana trapik:D” Anu yun? edi kapag may kasabay na magandang babae sa bus o dyip, haha:D
Reply
Ang nakakainis pa kamo, pag ang time in ay 8AM, dapat 5AM pa lang nasa daan ka na. Kasi kung 5:30AM o 6AM, ay good luck na lang!
Dito po ang LP ko ngayong linggo. Hapi Huwebes!
ShutterHappyJenns last blog post..Ayaw Ko (Reject)
Reply
Hay Christine.. di ko namimiss ang trafik.. makikita ko ulit yan next year pag uwi ko…. hay naku tignan mo nalang kung ano ang ayaw ko sa site ko
JoyDs last blog post..Litratong Pinoy (Ayaw ko! Reject)
Reply
apir, ako rin AYAW KO sa TRAPIK. heheheh! maligayang huwebes sa iyo
sardonic nells last blog post..Litratong Pinoy #22: Ayaw Ko
Reply
nung una, gusto ko ang trafic kasi nakakapag pahinga ka sa bus (commuter po ako, wala akong car), kaya minsan nakakatulog ako. pero tama kayo, ubos oras at pasyensya.
masayang huwebes eto po ang aking lahok:
agent112778.blogspot.com/2008/08/lp22-ayaw-ko-reject.html
Jays last blog post..LP#22: Ayaw ko! (Reject)
Reply
ok lang sa aking matraffic basta hinde ako ang driver. hehe… happy LP!
Leahs last blog post..LP: Ayaw ko!
Reply
mismo! ayaw ko rin ng traffic, kasi ngayon from Baclaran to Imus halos 3 hours din, bago pa kami makarating sa Tagaytay–asus talaga naman!
Mayets last blog post..Ayaw ko! /Reject
Reply
ay, hate ko din ang traffic. pag biyernes siguradong traffic palagi kaya nga kung may pupuntahan ako lagi kong inaagahan para di mahuli
Cookies last blog post..Litratong Pinoy : Ayaw Ko!
Reply
oo nga, feeling ko pag nasa Maynila ako..pumapangit byuti. super harrassed sa trapik at sa smog.
marites1034s last blog post..Unforgettable Georgia Vacation
Reply
tumpak! sayang ang oras..
biancaelyse-mylife.blogspot.com/2008/08/lp-22-ayaw-ko.html
yvelles last blog post..Newest kit and lo!
Reply
honga, kainis talaga ang pesteng trafic sa pilipinas… pesensya na at nahuli, TGIF…. :)_
linos last blog post..ayaw ko…
Reply
sabi mo pa..kakairita an trapik dito sa pinas lalo na pag malalate na sa opisina, hehehhe
jeannys last blog post..Let’s go nuts
Reply
hay nako, ayaw ko din nyan! pero i have to deal with it everyday kasi i drive my son to school and pick him up. papasok pa lang sa gate ng ateneo grade school, 40mins na!
carol bustos-santiagos last blog post..meme
Reply
hahaha. onga no, ba’t ba di ko naisip ang traffic? sa bagay, commuter lang kasi ako, tinutulugan ko lang yan pag mahaba ang byahe hehe.
maligayang paglilitrato!
ners last blog post..An Open Hate Letter
Reply
naku! ganyan pa rin ang traffic hanggang ngayon!
Tonis last blog post..Weekend Soiree #34: A game of comment interaction
Reply
akala ko sa pilipinas lang uso ang traffic o hindi ba sa asia lang. hay naku, sobrang traffic din yung highway crossing seattle downtown. hindi ko rin type ma-trap sa traffic.
evis last blog post..Three Men and a Baby
Reply
kahit sino naman yata hate ang traffic di ba? lalo na dun sa nagda-drive tapos stick shift, kainis
Girlies last blog post..It Could be your Own Life
Reply
Hi Tin! So sorry it took a while before I got back to the blog-hopping groove…
Anyway, your “JoLas” comment was definitely a blast from the past - hahaha!
Hope all is well Down Under. Take care!
Reply
Can’t agree with you more Tin. We’re going home in December and I’m really dreading the traffic.:(
Hope all is well! Regards to Ron & hugs to pretty Amelie!
Reply